SI ATE SA JEEPNEY…

It really feels good if you’ve done something good to others… right? Kanina nung pauwi na ako galing SM Fairview bumaba ako sa Ever Commonwealth dahil dun yung sakayan papunta samin sa Batasan. Ako yung last na sumakay para mapuno at umalis na. Nung andon na kami sa intersection ng IBP road at San Mateo Road may tatlong babae na sumakay, isang slot na lang ang available pero yung drayber sige pa rin sa pagpapasakay at pinaandar agad yung jeep so yung isang girl umupo, yung isa kumandong dung sa isang girl na nakaupo tapos yung isa nanatili lang nakatayo, nagrereklamo na wala na naman daw uupuan pero nagpasakay pa. Ang ginawa ko, bilang edukado namang tao at may etiks, pinaupo ko na yung girl kahit ang laki lang ng dala kong bag dahil sa dami na laman, laptop at iba pang gamit. Take note at naka-corporate attire pa ako nun at sumabit ako sa likod ng jeep. Medyo awkward kung iisipin pero wala namang awkward sa mga taong tulad ko na ang gusto lang ay makatulong at maipakita sa iba pang tao na kung ano dapat ang gawin sa mga ganun klaseng sitwasyon. Siguro yung ibang nakasakay sa jeep nagulat, may natawa or may namangha pero ang punto lang naman ng simpleng bagay na ginawa ko ay ang tamang pagtrato sa mga babae… yung tamang pagtrato sa kapwa. Yun ay ang handa mong isakripisyo ang kung anong meron ka para lang maibahagi mo sa iba, ng walang pagsisisi, walang pag-iimbot at ang tanging layunin lang ay ang makatulong at wala nang iba pa.

  1. exxxogenesis posted this